By

Pagtanggal sa systems loss sa kuryente, abot-kamay na

Sharing is caring!

Tinatrabaho na ng House Committee on Energy ang panukalang nagbabawal sa paniningil sa consumers ng systems loss sa kuryente.

Tatlong panukala ang naihain sa Kamara na naglalayong amiyendahan ang Anti-electricity and electric transmission lines and material pilgerage Act of 1994.

Ayon kay Energy committee chairman Lord Allan Jay Velasco, minamadali nila ang pagpasa sa panukala dahil kasama ito sa mga prayoridad ng Kamara.

Pabor ang Department of Energy na maalis sa billing ang singil sa systems loss para mabawasan ang bayarin sa kuryente ng publiko.

Iginiit naman ng isa sa mga may-akda ng panukala na si Navotas Rep. Toby Tiangco na maging agresibo ang power utilities sa paglutas ng systems loss sa kanilang operasyon.

Ito anya ang nararapat gawin ng power utilities sa halip na kubrahin sa consumers ang kanilang pagkalugi.

“Yung sinasabi nyong abnormal losses, may solusyon dyan at pwedeng ibaba o pwedeng mawala kung gagawin lang ninyo,” giit ni Tiangco. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?