108
views
abante-tnt-vismin-phil-arena
By

Pagtanggal sa mga sticker ng PLDT ni MVP, pinaboran

Sharing is caring!

May mga sumuporta sa himutok ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes kaugnay sa pagtanggal ng mga player ng Australia sa stickers ng PLDT ni Manny V. Pangilinan sa flooring ng Philippine Arena.

Pero, meron ding mas pumabor naman sa ginawa ng Aussies.

Giit ni @amazing_empoy sa kanyang tweet, masyadong marami na ang advertisement at hindi raw ito isang boxing ring sabay banat na marami na aniyang logo sa sideline, pati ba naman daw sa free throw line ay meron din.

“They don’t want PLDT and Chooks to be seen in Australia. Hehehe. Anyways sobra din naman yung stickers na nilagay, sobrang baduy na. Tama lang ang ginawa ng Australia hahaha,” tweet ng @GilasFans.

Tanong naman ni @king_bonifacio kelan naman kaya aayusin ang serbisyo ng PLDT para maaksyunan ang mga hinaing ng customers. “Eh yung reklamo kaya ng mga customer ng PLDT na ayusing serbisyo nila, kelan kaya aaksyunan? Lol.”

Si Facebook use Gelman Jason Kimmayong, iritado rin sa dami ng sponsors na naka-post sa mga game venue, “Nairita siguro sila sa dami ng nakapost na sponsors, kakairita naman talaga tulad sa jersey ng Gilas na halos makikita mo nalang dun e “chooks to go” “smart” taz pag nanunuod ka ng live coverage ng laro kakainis ung mga ads na nagpa pop halos di mo na makita ung score at oras…..haaaaaaaay.”

Mas angkop aniya na ang mismong logo ng FIBA sa halip na stickers ng PLDT.

Ang ilan, suportado naman ang himutok ni Chot. Sabi ni Twitter user @pinkfence05 “THIS IS NOT THEIR HOUSE! You’re right, coach. Basic Decency.”

“Tama coach kaya nga may fiba approval. Syempre kasama na safety. Dito pa sila nangbully sa pa.. bawian na lang naten sa laro coach,” tweet ni @jjeromesantos

“I hope @FIBA won’t let Australia go away unpunished,” tweet ni @joshtadena.

Si MVP, nag-tweet din ng pagkadismaya sa ginawa ng mga Aussie player. “Aussie team ripping our/Fiba logos on the court of Phil Arena w/o asking permission. We will not back down. Those stickers go in. Regardless.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?