68

Dec 18, 2017 @ 15:10
By

Pagtanggal sa black at whiteheads, bonding moments nina Sharon-Robin

Inilabas ni Robin Padilla ang isa sa mga bonding moments nila ng megastar na si Sharon Cuneta habang ginagawa nila noon ang top-grossing film nilang ipinapalabas pa rin sa mga sinehan ngayon, ang ‘Unexpectedly Yours’.

Isang short video ang pinaskil ni Robin sa kanyang Instagram wall na nagpapakita ng pagiging abala ng megastar sa noo ng aktor.

Makikita sa video na tinatanggalan ni Sharon ng black at white heads si Robin habang nakahilata ito sa isang inclined chair.

Gamit ang isang stainless stick na pangtanggal ng black & white heads, matiyagang inaalis ni Sharon ang mga dumi sa noo ng kapareha.

@robinhoodpadilla, “Ang lihim na talent ni Ms. Sharon Cuneta at ang mga ganap sa likod ng kamera.”

Tawa pa nang tawa si Sharon habang kinukunan ng video at para siyang aesthetician na dini-demo ang ginagawa niya.

Sa pagkakatanda namin, ito ang kauna-unahang pagkakataong nakunan si Sharon sa isa pa niyang talent at kakayahan habang naghihintay ng take niya sa isang sinu-shoot na movie o ginagawang show.

Natuwa ang mga followings ni Robin sa video na ito lalo’t lumabas ang kakaibang karakter nilang dalawa ng megastar.

At least, hindi naba-bad comments si Sharon sa mga pagnu-nostalgic niya sa nakaraang lovelife nila ni Robin. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?