33

Nov 22, 2021 @ 12:54
By

Pagtanggal ng face shield, ‘welcome relief’ sa mga pasahero

Malaking kaluwagan umano sa milyong mga komyuter ang desisyon ng pamahalaan na alisin na sapilitang paggamit ng face shiled sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Alert Levels 1, 2 and 3, ayon sa Pasahero partylist.

“This provides welcome relief to commuters and passengers who have been forced to wear face shields for more than a year now despite the lack of medical and scientific proof that these plastic coverings are effective in preventing the spread of COVID-19,” sabi ni Atty. Homer Alinsug, spokesperson ng grupo.

Noong Martes, inihayag ng Department of Transportation na hindi na obligado ang taong magsuot ng face shield sa mga train, bus, dyip at iba pang public utility vehicle.

Ito’y bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging boluntaryo na ang ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2 at 3.

Para sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4, binibigyan ang mga local government at mga pribadong establisimiyento na diskresiyon na magpagamit ng face shield.

Ang paggamit ng face shield bukod pa sa face mask ay mandatory sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 5.

Bagama’t hindi na obligadong gamitin ang face shield sa halos lahat ng lugar sa bansa, sinabi ni Alinsug na kailangan pa ring iobserba ng mga komyuter ang healt at safety protocol sa lahat ng public transport facility, kabilang ang pagsusuot ng face mask.

“We wish to remind commuters that the coronavirus is still around that’s why it is important that we continue with proper use of face mask, regular disinfection, and physical distancing,” ani Ainsug.

“Our commuters are the driving force of the economy. We cannot afford them getting sick, thus the need to ensure minimal risk of infection,” dagdag nito. (Dindo Matining)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?