54

Jan 14, 2022 @ 13:19
By

Pagtanggal ng DOH sa mass testing, contact tracing malaking pagkakamali — Chiz

Binatikos ni dating senador at Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang Department of Health (DOH) dahil sa pag-alis nito sa contact tracing at mass testing bilang parte ng estratehiya ng pamahalaan kontra COVID-19, kasabay ng kanyang pagsasabi na importante ang mga hakbang na ito sa pag-isolate at paggamot sa mga Pilipinong nahawahan ng coronavirus at upang maiwasan din ang pagkalat ng sakit sa mga komunidad.

Ayo kay Escudero, hindi isang estratehiya ang ginawang pagkambiyo ng DOH upang malabanan ang mabilis na pagkalat ng Omicron variant sa bansa kundi isang pagpapamalas ng pagbitiw at pagsuko.

“Ang ginagawa ng DOH ay hindi isang ‘COVID-19 response strategy’ kundi isang buong pagbitiw at pagsuko,” ani Escudero na tumatakbo sa Senado sa May 2022 national elections. “Para siyang strategy na ‘if you can’t beat them, join them.’”

“Isang napakalaking pagkakamali at napakalaki ng ating pagbabayaran dito,” babala ni Escudero.

Sa parte ng DOH, inihayag nito na mas tututukan nila ang community interventions kaysa pag-Polymerase Chain Reaction (PCR) test at gagamitin lamang ang testing para sa mga pasyenteng high risk, sa pamamahala ng mga apektadong komunidad, at sa pag-isolate at pagbabakuna sa mga mamamayan.

Sinabi rin ng ahensiya na sa ngayon ay iiwan na rin muna nila ang contact tracing.

“Wala na ngang libreng mass testing, babawasan pa ang testing! Kawawa naman po tayo. I cannot fathom, much less understand, the logic behind this policy,” ani Escudero. (Dindo Matining)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?