64

Nov 26, 2017 @ 12:48
By

Pagtalakay sa tax reform, madugo – Angara

Inihayag ni Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara na pinakamahirap na panukala na kanyang nahawakan ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN).

Ayon kay Angara, bagama’t marami na siyang nahawakang mabibigat na batas ay maituturing nitong masalimuot ang panukala para sa bagong pagbubuwis.

“Marami na akong nahandle na batas na mahihirap, yung Customs Modernization, yung mga batas na ginawa natin nung Education Chairamn tayo pero ito lang pinakamahirap ito, pinakamaraming isyu, madugo,”saad ni Angara.

Ipinaliwanag ng senador na matindi rin ang paniniwala ng ibang senador sa kanilang mga amyendang isinusulong kaya’t dapat ding pakinggan ang mga ito.

Aminado si Angara na pinakamalaking pagsubok sa kanya ang pagsama-samahin ang mga kanya-kanyang opinyon at nais ng mga senador sa iisang magandang batas.

Kasabay nito, positibo pa rin si Angara na maipapasa ang panukala bago matapos ang taon at binigyang-diin na wala siyang natatanggap na anumang pressure mula sa Malakanyang. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?