0
views

Pagtalakay sa draft federal constitution ipinamamadali ni Duterte – Sotto

Sharing is caring!

Nagpahiwatig na umano si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang madaliin ng Konggreso ang pag aprub sa federal constitution.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, sa dinaluhan nilang pulong kagabi ng National Security Council (NSC) sa Malacanang, sinabi ng pangilo na bilisan na ang pagtalakay sa bagong konstitusyon para maihalal na ang Transition President na papalit sa kaniya.

Sa sinabi ng pangulo, tinanong ni Sotto kung inaabandona na sila ng pangulo na hindi naman nito tinugon.

Sa draft federal constitution, may probisyon na nagsasaad na ihahalal ang Transition President at Transition Vice President na manunungkulan mula sa sandaling magkaroon ng federal constitution hanggang sa taong 2022 kung kailan matatapos dapat ang termino ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Sotto, batay sa hudyat ng pangulo, ikukunsidera sa agenda ng Senado ang federal constitution na natanggap nya kanina mula kay dating Chief Justice Reynato Puno at mga kasamahan nito sa Consultative Committee na bumalangkas sa federal constitution.

Para rito, magpapatawag si Sotto ng caucus ng lahat ng mga senador para matalakay ang gagawin sa panukalang konstitusyon.

Aaralin umano kung paano itong ipapasok sa maraming gawain ng Senado. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?