43
PNP Bato Dela Rosa
By

Pagtalaga ng police directors, ‘di na pakikialaman ni Bato

Sharing is caring!

Ayaw nang makialam pa ni outgoing Philippine National Police (PNP) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa kay incoming PNP Chief Oscar Albayalde sa pagtatalaga ng police directors na makakasama niya sa kanyang pamumuno.

Ayon kay Dela Rosa, panahon na ngayon ni Albayalde na pumili at ibinibigay niya na ang buong kapangyarihan dito sa pagmamando ng PNP.

Ayaw niya na rin daw magrekomenda kung sino ba ang nararapat na umupo sa babakantehing puwesto ni Albayalde sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Aniya, anumang hakbang na gawin ni Alabayalde ay suportado niya dahil nakasisiguro siya na para ito sa ikabubuti ng kanilang hanay.

Una nang lumutang ang mga pangalan nina Quezon City Police Director Guillermo Eleazar at Criminal Investigation and Detection Group Director Roel Obusan na susunod na magmamando sa NCRPO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?