7

Oct 1, 2020 @ 16:21
By

Pagtalaga ng cooperative development officer, OK kay Go

Suportado ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang panukalang nag-aatas sa mga local government unit (LGU) na magtalaga ng mga cooperative development officer kasabay ng paalala sa mga ito hinggil sa bayanihan effort para sa kanilang komunidad.

Ayon kay Go, ang pagpasa sa Senate Bill No. 1855 ay magsisilbing pagkakataon sa mga government official at individual stakeholder na mayroong mababa hanggang sa average income earners status na mag-increase sa kanilang productivity na makakatulong sa paglago ng ekonomiya.

Ipinaabot din ng senador ang kahandaang maging co-author ng nasabing panukala na isinulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Risa Hontiveros, Ramon Revilla Jr., at Francis Tolentino na siyang mag-aamyenda naman sa Republic Act No. 7160 o mas kilala bilang Local Government Code of 1991.

“Not only have they contributed to the development of the sectors they represent but they have also encourage the empowerment of their respective stakeholders and communities,” sabi ni Go.

Ayon kay Go, naging mahalagang tulong ang kooperatiba sa mga countryside development at nation-building hindi lamang dahil sa kanilang kontribusyon sa kanilang sektor kundi ng mga stakeholder at komunidad.

Kailangan din aniyang tumulong at magmalasakit sa komunidad dahil lahat naman ay nahihirapan at gustong malampasan ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?