40
Harry-Roque
Jan 18, 2018 @ 21:41
By

Pagtalaga ng acting commissioners sa ERC, isa sa opsyon ng gobyerno

Kinontra ng Malacañang ang ginawang pagtalaga ng Facebook sa Rappler at Vera Files para mag-fact check sa fake news sites sa nasabing Social network company.

Sa harap na rin ito ng agam-agam na baka magkaroon ng malawakang brownout dahil sa mga nakabinbing power rate petitions.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, isa sa tinitingnang opsyon ang paglalagay ng pansamantalang commissioners sa ERC na nasa acting capacity habang epektibo pa ang isang taong suspensiyon na ipinataw ng Ombudsman sa apat nitong opisyales.

Ito ay batay na rin sa mungkahi ni Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo at pinag-aaralan na rin ito ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

“The Office of the Executive Secretary is currently studying the matter. Chief Presidential Legal Counsel Sal Panelo has stated that there could be acting commissioners designated, while the commissioners are under suspension by the Ombudsman,” ani Roque.

Disyembre 2017 nang ipataw ng Ombudsman ang isang taong suspensiyon sa apat na ERC commissioners na sina Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Asirit at Geronimo Sta. Ana.

Nagbabala naman si ERC Chairperson Agnes Devanadera na posibleng magdulot ng malawakang brownout sa bansa dahil hindi naaaktuhan ang mga petisyon sa ERC dahil sa mga nasuspindeng commissioners na dapat ay umakto sa mga nakabinbing petisyon.

Wala pa ring sagot ang Malacañang sa inihaing petisyon ng mga nasuspindeng commissioners sa Court of Appeals na humihirit ng temporary restraining order at tuluyang pag-dismiss sa kanilang kaso. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?