53

Jul 19, 2021 @ 22:06

Pagtakbong presidente kalokohan – Vico

Wala sa plano ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtakbong pangulo sa 2022 o kahit sa hinaharap.

Saad ng batang mayor, hindi pasok ang kanyang edad para maging presidente ng bansa, at mas nakatuon siya sa kanyang trabaho sa Pasig City.

“Kalokohan lang ‘yon. Una 32 lang ako. I don’t entertain those thoughts, whether now or the future. Dapat mag-focus ako sa trabaho ngayon,” sambit ni Sotto sa panayam ng ANC.

Ngunit inamin ni Vico na nakipagkita siya sa partido ng kanyang tito na si Senate President Vicente Sotto III, ngunit hindi raw naging detalyado ang kanilang pag-uusap at ayaw niya ring makisali sa national politics.

Samantala, muling tatakbo bilang alkalde ng Pasig sa susunod na eleksiyon si Vico. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?