35

Oct 8, 2021 @ 15:44
By

Pagtakbo ni Pangilinan bilang VP: ‘Call of Duty’

‘Tinatawag tayo ng tungkulin’ [call of duty].

Ito ang nagkumbinsi Senador Francis “Kiko” Pangilinan na tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na halalan sa taong 2022.

“Nagtitiwala ako sa sambayanang Pilipino — lalabas ang ating tapang, makahahanap ng lakas ng loob, makahuhugot ng liwanag ng puso, para iwaksi ang baluktot na pamamahala, at kapalit nito ay magtatalaga ng mga pinunong tapat at totoo, may puso at tibay, matino at mahusay,” sabi nito.

Sa simula ng kanyang talumpati, hindi mapigilang lumuha ni Pangilinan ang pag-alala sa speech ni Vice President Leni Robredo noong magdesisyong tumakbo sa pagka-presidente.

“Una, mga luha ng agam-agam at pangamba dahil habang nagsasalita si Ma’am Leni, bigla kong naramdaman ang buong bigat at magiging pasanin ng landas na aming tatahakin tungo sa pamumuno sa isang bansang naghihikahos at gumagapang,” sabi ni Pangilinan.

“Pangalawang dahilan, mga luha ng pag-asa na sa pagdeklara ni Ma’am Leni ng kanyang pagtakbo para sa pagkapangulo,” sambit pa nito.

Sabi ni Pangilinan, isa siya sa mga nagtutulak kay Robredo na tumakbo sa pagka-pangulo.

“Naalala ko, April 15 nung taong ito, six months ago. Nagpadala ako kay Ma’am Leni ng text message na hinihiling sa kanya na tumakbo bilang Pangulo. Ang sagot nya sa akin noon, kung siya lang ang masusunod, mas gugustuhin nya yung serbisyong lokal at grassroots,” lahad ni Pangilinan.

“Mas masaya siya na direktang nakakasalamuha ang mga kababayan natin. Dagdag pa niya: kung para sa kanya talaga ang tumakbong Pangulo, naniniwala siyang mangyayari iyon. Ika nga ni Ma’am Leni, if it is meant to happen, it will happen.

Ang sagot ko naman sa text nya na may halong biro at kaunting udyok: ‘Sa gawain nyo, Ma’am, kelan ba ninyo inuna ‘yung kasiyahan nyo?’ Prayer emoji lang ang naging sagot nya,” ayon pa sa senador.

Matapos ang anim na buwan, sinabihan si Robredo na isantabi ang kanyang kagustuhan na muling tumakbos apagka-senador at maging running mate na nila niya sa susunod na halaln.

“Ngayon siya naman ang humihingi ng tulong, isantabi ko rin ang aking kagustuhan, baka kapag sinabi ko na mas masaya ako sa pagtakbo sa Senado, eh balikan niya sa akin yung sinabi ko six months ago… Eh sabi ko nga, wala akong kawala. No choice, ika nga,” ani Pangilinan.

“Pero sa totoo lang, tinawag tayo ng tungkulin,” wika pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?