256

Sep 22, 2021 @ 22:05
By

Pagtakbo ni Isko aprub kay Tito

Welcome kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagsali ni Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 presidential race.

Aniya, maraming pagpipilian ang mga tao.

“The more, the merrier. More to choose from,” pahayag ni Sotto matapos ang pormal na anunsyo ni Moreno sa pagka-pangulo nitong Miyerkoles.

Si Sotto ang ka-tandem ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa darating na eleksyon.

Tatakbo si Lacson na presidente habang si Sotto ang kanyang vice president.

Samantala, bise presidente ni Moreno si Doc Willie Ong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?