57

Oct 8, 2021 @ 18:21
By

Pagtakbo ni Bato sa pagka-pangulo, diskarte ng PDP-Laban

Inihayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na ang liderato ng PDP-Laban sa pamumuno ng grupo ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang nagdesisyon sa pagpili sa kanya para tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 national election.

“It was a party decision na tumakbo ako. Matagal na pero tinatago lang namin. ‘Yan ang mga diskarte na para… Pag maaga ka magbalita, titrahin ka talaga. Kaya tinatago lang natin ‘yun,” pahayag ni Dela Rosa matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente.

“Magpa-file ba ako kung di ko gusto? Para tumakbo bilang pangulo, nag-file ako,” sagot pa ni Dela Rosa, nang tanungin kung ginusto ba talaga niyang sumali sa presidential race.

Nang tanungin kung maaari ba siyang palitan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kahit hindi miyembro ng partido ang huli, sinabi ni Dela Rosa na, “Eh di mas maganda.”

“Pero this is a party decision. This is not my personal decision. Kasi kung ako lang masunod, kung papatakbuhin nila ako, tatakbo ako,” sambit pa nito.

Hindi naman masagot ni Dela Rosa ang tanong kung patuloy pa ring kinukumbinse ng PDP-Laban si Mayor Sara na maging standard bearer ng partido.

“I don’t know kung may pinag-uusapan sila. Basta ako, I am running to become the next president of the Republic of the Philippines,” ani Dela Rosa.

Itinanggi naman ni Dela Rosa na panggulo lang sa election process ang ginawa niyang pagtakbo sa pagka-pangulo.

“Why? Do I look like a mockery to you? I won as senator. No. 5 ako in the last elections. IS that a mockery? Is it a mockery to the 19 million Filipinos who voted for me as senator of this republic?” sagot ng senador sa nagtanong na reporter.

“Napakainsulto naman ng tanong na iyon di ba?” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?