93

Sep 26, 2021 @ 14:09
By

Pagtakas pumalpak! 4 preso tsugi

Apat na preso ang napatay nang makipagpalitan ng putok sa mga bantay ng Lianga District Jail sa Surigao del Sur sa tangka sana nilang pagtakas sa nasabing bilangguan ngayong Linggo.

Ayon sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang apat na nasawi ay mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupo na sila ring nag-organisa ng pagtakas sa bilangguan.

Naganap umano ang pagtakas dakong alas-6:50 a.m. ng umaga nang atakihin ng mga preso ang mga bantay sa kulungan.

Nagtagal umano ng walong minuto ang kaguluhan.

Isang kawani ng kulungan ang sugatan matapos masaksak ng isang patalim. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?