51

Sep 6, 2019 @ 18:26
By

Pagtakas ng tulak, diretso kay kamatayan

Dedo ang isang tulak ng shabu makaraang tumalon mula sa balkonahe sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan upang takasan ang mga umaarestong pulis sa Quezon City, nitong gabi ng Huwebes.

Kinilala ni P/Lt. Nick S. Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Carel Matunog Cimatu, alyas Doc, 39-anyos at residente ng No. 3C Loans Ext., St., Brgy. Sangandaan, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Bienvenido Ribaya, ang insidente ay naganap dakong alas-9:15 ng gabi (September 5) sa mismong tahanan ng suspek.

Nagsagawa umano ng buy-bust ang mga awtoridad laban sa mga suspek na nakilalang mga alyas Moro, Hugan at Malou at tumayong buyer si P/Cpl. Felix Pagulayan ng QCPD Station 3.

Subalit sa halip na ang humarap sa buyer na pulis ay ang kanilang mga pakay na suspek, ay si Cimatu ang nag-abot ng shabu na nagkakalaga ng P200.00.

Habang nagkakapalitan ng droga at pera ang magkabilang panig ay saka lumutang ang mga nakakubling awtoridad at nang makita ng suspek ay mabilis itong tumakbo sa ikalawang palapag at tumalon subalit minalas na bumagsak una ang ulo.

Naisugod pa sa Quezon City General Hospital ang suspek subalit binawian din ito ng buhay dakong alas-10 ng gabi sanhi ng tinamong pagkabagok ng ulo, ayon kay Dr. King Soon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?