85

Jun 27, 2019 @ 20:28
By

Pagtaas sa SSS contribution ng mga OFW, pinalagan ng Simbahan

Pinalagan ng Simbahang Katolika ang pagpapatupad ng mandatory increase sa hanay ng mga overseas Filipino worker (OFW) para sa kanilang kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos, dagdag-pahirap ito sa mga OFW.

Nanawagan ang CBCP-ECMI sa mga indibiduwal o cause-oriented group na magsampa ng temporary restraining order laban sa implementasyon ng SSS rationalization act dahil sa dagdag pasakit nito sa mga OFW lalo na sa mga marino.

Ang pagbayad umano sa kanilang kontribusyon sa SSS, Philhealth o Pag-ibig ay hindi dapat na ilakip sa mga kailangan nilang isumiteng dokumento para maisyuhan ng overseas employment certificates.

Batay sa nilagdaang Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, lahat ng mga land-based at sea-based OFW ay dapat maging miyembro ng SSS bilang bahagi ng layon ng gobyerno na makakolekta ng pondong higit sa P31 bilyon sa pamamagitan ng nasabing batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?