30

Jun 6, 2021 @ 15:25
By

Pagtaas ng kaso ng virus, kaya i-manage – DOH

Hindi nababahala ang Department of Health (DOH) sa pagtaas ng mga kaso ng COVID sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, ‘manageable’ ang pagtaas ng mga kaso ngunit kailangang siguruhin ang pagsunod sa mga health protocol at pagusad ng pagbabakuna.

“Manageable, pero kailangan talaga natin ipatupad ang minimum health standards natin. Kasi napansin namin, once there is a break of level of compliance dito sa local government units, dun mo mapapansin talaga ang pag-rise,” pahayag ni Vega sa isang panayam nitong Linggo.

“Alam natin, sa lahat ng regions, merong presence of variants of concerns,” dagdag pa niya.

Dagdag pa niya, ang mga lugar sa bansa kung saan naitatala ang pagtaas ng mga kaso ay Western Visayas, Negros Oriental, Dumaguete, and ilang bahagi ng Mindanao.

Kaugnay pa nito, sa Mindanao naitala ang 25% ng mga panibagong kaso ng virus sa nagdaang linggo.

Ayon pa kay Vega, nasa 78% sa kanilang target na 10,000 health workers ang naipadala na nila sa mga nabanggit na lugar upang tumulong sa pagkontra sa COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?