56

Jul 31, 2020 @ 13:49
By

Pagsusuot ng face shield ire-require na rin

Inanunsiyo ng COVID-19 task force na aamiyendahan nito ang minimum health standards sa Metro Manila at Calabarzon, kabilang na ang pagsusuot ng face shield sa ibabaw ng face mask.

Sa mensahe sa bayan ni Presidente Rodrigo Duterte na inere ngayong araw, sinabi ni Presidential Spokesperson at COVID-19 Task Force Spokesperson Harry Roque na may apat na kondisyon para manatili sa general community quarantine (GCQ) ang status ng Metro Manila at Calabarzon kahit papataas ang mga kaso ng COVID-19 doon.

“Ito ang hugas kamay, suot ng mask, at social distancing. At pagsuot na rin po ng face shield,” wika niya.

Hindi naman binanggit ni Roque kung kailan magiging epektibo ang dagdag na minimum health standard.

Samantala, nilinaw naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa ngayon, hindi pa required at “encouraged” pa lang ang pagsusuot ng face shield pero baka nga gawin nang mandatory sa hinaharap “kung kakailanganin pa natin ng extra protection.”

Pinalawig ni Duterte ang GCQ sa Metro Manila at Calabarzon hanggang Agosto 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?