By

Pagsusumite ng drug war files sa SC, siniguro ng PNP

Sharing is caring!

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na masusunod pa rin nila ang utos ng Korte Suprema na isumite ang case folders ng mga napatay sa kanilang anti-drug campaign.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, sa katunayan patapos na sila sa paghahain ng mga kinakailangang dokumento ng Supreme Court sa 4,000 cases ng drug personalities.

Aniya, sadyang kinapos lang talaga sila sa oras dahil masyadong maikli ang 15-araw na unang hininging deadline ng SC para makapaghanda ng karagdagang operational documents ang PNP.

Kamakailan lang ay humiling ang Office of the Solicitor General na kumakatawan sa PNP ng karagdagang 60 araw sa SC para makapag-validate at makakolekta ng case folders.

Bukod sa case folders, kabilang rin sa hiling ng SC ang statistics ng internal cleansing ng PNP at drug watchlist.

Kasama pa ang listahan ng warrants at warrantless arrests sa high-value target police operations; maging ang listahan ng case under investigation sa ilalim ng PNP Internal Affairs Service.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?