55
Pagsusubasta sa P704M Marcos jewelry, aprubado na ni Duterte
By

Pagsusubasta sa P704M Marcos jewelry, aprubado na ni Duterte

Binigyan na umano ng “go signal” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public auction para sa may P704.8 milyong koleksyon ng mga alahas ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

“Sabi ni Presidente kagabi na payag na makinabang ang taumbayan doon sa mga jewerly. So tinanong ko siya, ‘Are you going to give the go signal?’ sabi niya, ‘Yes’,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Nauna nang sinabi ng Commission on Audit sa kanilang 2018 report, na ang disposal ng milyong halaga ng alahas na nakumpiska kay Marcos ay nangangailangan lang ng approval ng Pangulo bago ito isubasta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?