22

Jun 23, 2020 @ 17:25
By

Pagsuspendi ni Trump sa job visa para sa 2020, ayos lang sa Palasyo

Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ni US President Donald Trump na suspendehin ang mga new employment-based visa nitong taon.

Kabilang dito ang mga visa na madalas ibigay sa mga high-skilled worker.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malayang magdesisyon ang US o anumang estado sa kanilang mga polisiya.

“We respect that decision kasi tayo nga po ‘di natin pinapapasok ang mga work visa holder. ‘Yan po ‘yung naging desisyon ng IATF,” saad ni Roque.

Naglabas si Trump ng presidential proclamation na pansamantalang nagbabawal na makapasok ang mga foreign worker na may H-1B visa at L-1 visa.

Hindi apektado nito ang mga mayroon nang valid visa.

Sa ngayon, ayon kay Roque, hindi pa nakakapagdesisyon ang IATF kung papayagan na ang pagpasok ng mga foreign worker sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?