23

Nov 24, 2021 @ 16:07
By

Pagsupil sa pasaway na parak palalakasin ni Eleazar

Tangka ni retired PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na bigyan ng mas matinding parusa ang mga pasaway na pulis sa pamamagitan ng mas pinalakas na PNP-Internal Affairs Service, sakaling siya ay manalong senador.

“Ito ang nakikita ko ngayon na possibly pinag-aaralang legislation para lalo pang mapaganda ang disiplina through the disciplinary measures,” saad ni Eleazar sa isang forum ngayong Miyerkoles.

Ani Eleazar, sa ngayon ay ang mga rekomendasyon lamang ng mga mataas na opisyal ng PNP ang tinitingnan ng IAS, kaya’t marapat lamang umano na bigyan ito ng kalayaan.

“Pagdating sa disciplinary authorities, who are the chief PNP, the regional directors, or other national support unit directors, ay pwede niyang ibahin iyon base sa kanyang evaluation,” saad pa ng dating PNP chief, na parte ng ticket ng Lacson-Sotto tandem.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?