10

By ,

Pagsuntok ni Randy Petalcorin sa IBF light fly crown, naudlot

Sharing is caring!

Inilipat sa Oktubre 29 ang sana’y October 21 encounter nina Randy Petalcorin at Felix Alvarado sa Solaire Resort and Casino.

Paglalaban nina Petalcorin (28-2-1, 22 KOs) at Alvarado (33-2-0, 29 KOs) ang bakanteng International Boxing Federation (IBF) world light flyweight title. Ihinahandog ito ng MP Promotions, Sanman Promotions at Peter Maniatis Events.

“I have worked so hard to prepare for this fight and claim the world title. I have been so prepared and will remain focused despite this small setback,” wika ni Petalcorin.

Inamin din ni Petalcorin na nakakamangha ang record ni Alvarado pero gagawin niya ang lahat para maiuwi ang panalo dahil matagal na siyang gutom sa isang world title.

Masaya si Sanman CEO JC Manangquil na marami silang mga disiplinado at dedikadong mga figther.

“Another world title fight for Sanman Boxing. This has a been a good year to us and we pray and hope we will have another world champion come October 29,” saad ni Manangquil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?