6
ABANTE osg office solgen
By

Pagsumite ng dokumento tungkol sa drug war, ‘di kailangan – OSG

Sharing is caring!

Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na baligtarin nito ang naunang kautusan na nag-aatas sa kanila na magsumite ng mga dokumento na may kinalaman sa pagpapatupad ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Sa pagdinig noong Disyembre 5, 2017, inatasan ng hukuman ang OSG na magsumite sa loob ng 60 araw ng mga dokumento na may kinalaman sa listahan ng mga taong napaslang sa lehitimong operasyon ng pulisya mula Hulyo 1, 2016 hanggang Nobyembre 30, 2017;

listahan ng “deaths under investigation” sa loob ng nasabing panahon; listahan ng mga Chinese at Fil-Chinese drug lords na napatay; statistics ng internal cleansing sa PNP; drug watchlist sa mga apektadong lugar; pre- at post-operation reports ng mga anti-illegal drugs operation at ikinasang buy-bust incidents sa San Andres Bukid, Maynila; listahan ng warrants at warrantless arrests sa ikinasang police operation laban sa mga high value targets at listahan ng mga kaso na iniimbestigahan ng Internal Affairs Service.

Giit ng OSG, ang isyu na kailangan namang desisyunan ay ang constitutionality ng DILG Memorandum Circular 2017-112 na nagtatakda ng sistema para sa anonymous reporting ng mga hinihinalang kriminal, at PNP Command Memorandum Circular No. 16-2016 na nagdedetalye ng PNP Project: Double Barrel kung saan nakapaloob ang Project Tokhang at Project HVT o High Value Target.

Pero ang mga dokumento na hinihingi ng korte ay hindi naman mahalaga sa pagtukoy ng constitutionality ng kinukuwestiyong mga memorandum.

Labag din umano ang kautusan ng korte sa Rule on the Writ of Amparo dahil hindi naman ito maituturing na mahalagang ebidensya sa petisyon.

Ang mga hinihirit din umano na dokumento ng korte ay naglalaman ng sensitibong impormasyon na may implikasyon sa pambansang seguridad.

Nababahala rin ang OSG na maghudyat ng mapanganib na simulain ang utos ng korte dahil hindi malayo na bahain ang mga mababang hukuman ng mga petition for writ of amparo na wala namang batayan at layon lamang na kumalap ng ebidensya sa pamamagitan ng fishing expedition. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?