66
Abante-TnT-menardo-guevarra-bato-dela-rosa
By

Pagsugpo sa droga sa Bilibid, hamon ni Guevarra kay Bato

Sharing is caring!

Ang masawata ang iligal na droga sa Bilibid ang marching order na ibinigay ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa bagong talagang director ng Bureau of Corrections (BuCor) na si dating Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Guevarra, partikular niyang pinaaaksyunan kay Dela Rosa ang problema pa rin ng illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

“There will be only one marching order for Chief Dela Rosa: Destroy the drug machinery inside the penitentiary,” saad ni Gueverra.

Sinabi ng kalihim na sa Biyernes ay nakatakda silang magpulong ni Dela Rosa kaugnay ng mga plano sa BuCor sa araw ng Biyernes.

Sa ngayon, nakabantay pa rin ang mga tauhan ng Special Action Force o SAF sa NBP dahil na rin sa mga naunang ulat na nakakadiskarte pa rin ang high-profile inmates ng Bilibid.

Ang mga high-profile inmate na ang ilan ay umamin na sangkot umano sa illegal drug trade ay nakakulong sa Building 14 sa NBP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?