38

Dec 4, 2021 @ 17:17
By

Pagsiyasat ng NBI sa Bree Jonson case nahinto – DOJ

Pansamantala umanong natigil ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ni Bree Jonson, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

Aniya, naka-leave pa ang judge na hiningian ng NBI ng search warrant para maisagawa ang pagkalap ng forensic evidence.

Bukod dito, hinihintay pa umano ng NBI ang tugon ng Philippine National Police (PNP) tungkol sa kanilang hiling sa DNA report ni Jonson.

Matatandaang nakitang walang buhay si Jonson sa loob ng isang hostel room sa La Union noong Setyembre.

Person of interest sa kanyang pagkamatay si Julian Ongpin, anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin, sapagkat ito ang huli niyang kasama sa nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?