623

Feb 23, 2020 @ 15:51
By

Pagsipsip lang ang trabaho! Sayang ang malaking pasweldo sa’yo – Ethel Booba kay Mocha

Pinatamaan ni Ethel Booba ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator na si Mocha Uson matapos na banatan ang Senado dahil sa umano’y pagliban ng sesyon para matalakay ang isyu ng ABS-CBN franchise renewal.

Sa tweet ni Mocha, kanyang sinabi na nagsasayang umano ng pera ng bayan ang mga Senador para mapagtanggol ang mga ‘oligarch’ na patungkol sa may-ari at pamunuan ng ABS-CBN.

“Ganito inaaksaya ng Senado ang pera ng bayan para lang mapagtanggol ang mga oligarch. Alam naman natin na walang saysay ang hearing dahil dapat mauna ang House,” giit ni Mocha.

“Sipsip to the max na ang mga kakampi ng oligarch,” banat pa nito.

Una nang klinaro ni Senadora Grace Poe na maaaring dinggin sa Senado ang isyu ng isang bill kahit hindi pa ito natatalakay sa Kongreso, basta’t hindi pa sila maglalabas ng committee report ukol dito.

Nakaabot naman kay Booba ang tweet ni Uson, at dito na pinaringgan ang dating sexy dancer.

“Cyst mas malaki ang [naaksayang] pera ng bayan sa pasweldo sayo sa pagtatanggol mo sa mga politiko,” ayon kay Ethel. “Alam naman natin na di yun ang job description mo. Sipsip to the max. Charot!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?