132

Feb 22, 2019 @ 17:01
By

Pagsipot ni Andanar sa kampanya ni Bong Go, alam ni Duterte

Nilinaw ni Presidenial Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdalo nito sa campaign rally ni dating Special Assistant to the President Bong Go sa San Juan.

Sinabi ng kalihim na inimbitahan siya ni Go na matalik niyang kaibigan at alam aniya ng Pangulo ang pagdalo nito.

Hindi aniya tama ang ulat na nag-proxy siya para kay Go sa aktibidad nito sa San Juan noong Huwebes dahil naroon sa aktibidad ang dating kalihim.

“I was there sa San Juan… The former Secretary asked me if I could go there, if I could make it. Sabi ko nga sige no problem, as a friend matalik kong kaibigan si Secretary Bong Go. No problem, I just told Bong as long as the President knows about it. Well iyon nga, sinabi naman sa akin ni Secretary Bong Go that the President is aware of my presence in San Juan,” ani Andanar.

Matatandaang may direktiba si Pangulong Duterte sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na huwag mangampanya sa mga sinusuportahang kandidato kaugnay sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.

Agad na umani ng atensiyon ang pagdalo ni Andanar sa aktibidad ni Go pero sinabi ng kalihim na panghahawakan niya ang sinabi ng dating top aide ng Presidente na alam ang pagdalo nito sa campaign rally.

“Well you know, the President kasi is the Chairman of PDP-Laban and I do serve at the pleasure of the President and at the behest of the President. At kung sinabihan ako ni ex-SAP Bong Go na mag-attend doon at kung mayroon namang go signal si Presidente, wala namang problema,” dagdag pa ni Andanar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?