168

Dec 24, 2018 @ 12:54
By

Pagsipa sa Ateneo bully, simula pa lang – DepEd

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na unang hakbang pa lang ang ginawang pagpapatalsik ng pamunuan ng Ateneo sa isa nilang junior high school student na ilang ulit nam-bully ng mga kaeskuwela.

Aniya may mga dapat pang gawin para harapin ng mga eskuwelahan ang hamon ng bullying sa hanay ng mga estudyante.

Sinabi pa nito na kapwa dadalhin ng bully at ng kanyang mga biktima ang pangit na karanasan.

Una nang hinimok ni Briones ang pamunuan ng lahat ng mga paaralan na pag-aralan muli ang kani-kanilang anti-bullying policy at aniya dapat ay ayon ito sa Anti-Bullying Act.

Umasa rin ang kalihim na ang insidente sa Ateneo ay magsisilbing aral sa lahat ng mga paaralan at estudyante.

“We also believe this is a wake-up call for the entire community, for all those who believe in education, for all those who believe in the protection of learners…and that our learners should be shaped and nurtured in the ways of peace,” sabi ng kalihim.

Kahapon, inanunsiyo ni Ateneo de Manila University president Fr. Jose Ramon Villarin ang expulsion ng bully student matapos silang magsagawa ng masusing imbestigasyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?