49

Feb 19, 2018 @ 17:43
By

Pagsipa sa 8 UST students na sangkot sa Atio case, kinatigan ng Palasyo

Pabor ang Malacañang sa naging aksiyon ng University of Sto. Tomas (UST) na explusion laban sa walong law students na sangkot sa hazing na ikinamatay ni Atio Castillo III.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tama lamang ang naging desisyon ng UST para ipahatid ang mensahe na hindi kinukunsinti ng mga paaralan sa bansa ang karahasan, partikular ang hazing sa mga pumapasok sa mga fraternity at sorority.

Sinabi ni Roque na bagama’t expelled na ang walong estudyanteng isinasangkot sa Atio hazing case, hindi aniya nagtatapos dito ang kanilang kasalanan sa pagkamatay ng biktima.

Ayon sa kalihim, umpisa pa lamang ito ng mas malaking problema ng walong estudyante dahil haharapin naman nila ang kasong kriminal dahil sa paglabag sa anti-hazing law.

“Well we think its the right step forward, expelling them sends the message that our schoolds will not tolerate violence on our campuses. Although that’s only the beginning. They will have to face criminal prosecution for violation of anti-hazing law,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?