16

Jul 16, 2021 @ 18:25
By

Pagsipa ni Pacquiao kay Cusi, 2 pa binasura

Inaprub ng PDP-Laban national council ang mosyon na nagkakansela sa umano’y iligal na resolusyon na nagtatanggal kina party vice-chairman Energy Secretary Alfonso Cusi at dalawa pang ka-faction nito.

Pinawalang-bisa ni PDP-Laban Vice President for External Affairs Raul Lambino ang resolusyon na inilabas ng party president nitong si Senador Manny Pacquiao at ng National Executive Committee noong nakaraang linggo.

Sa resolusyon ay sinipa sa partido sina Cusi, party deputy secretary-general Melvin Matibag at membership committee head Astra Naik dahil sa umano’y paglabag sa constitution ng partido.

Ayon kay Lambino, ang pagsipa sa tatlong nasabing opisyal ay hindi naaayon sa konstitusyon at prinsipyo ng kanilang partido.

“I move to declare that illegal resolution and ultra vires action of some members of PDP-Laban expelling Secretary Cusi, Atty. Melvin Matibag and Usec. Astra Naik, that they are considered to be void,” lahad ni Lambino sa isang pulong sa Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?