71
janet-lim-napoles
May 25, 2018 @ 21:41
By

Pagsipa kay Napoles sa WPP, kinatigan ng Palasyo

Sinuportahan ng Malacañang ang naging desisyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na alisin ang provisional coverage ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa Witness Protection Program.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tama lamang ang naging desisyon ni Guevarra dahil si Napoles ay hindi least guilty sa multi-bilyong pisong pork barrel scam.

Katunayan aniya ay si Napoles ang itinuturong utak ng multi-billion peso scam.

“We support DOJ sec decision and agreee that Lim is not least guilty whose testimony is not indispensible and can be testified upon by other witnesses,” ani Roque.

Ang pagkakasama ni Napoles sa WPP ay nangyari sa ilalim ng pangangasiwa ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre at umani ng mga puna at batikos.

Isa sa unang umalma sa naging desisyon ni Aguirre ay ang state witness ng pork scam na si Benhur Luy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?