32
views
bam-aquino
By

Pagsipa kay Evasco, kawalan sa krusada vs katiwalian – Bam

Sharing is caring!

Tiyak umanong mamamayagpag ang katiwalian sa industriya ng bigas.

Ito ang sinabi ni Senador Bam Aquino kasunod nang ginawang pagsibak kay Cabinet Secretary Jun Evasco bilang chairman ng National Food Authority (NFA) Council.

Ayon kay Aquino, patuloy na mamamayagpag ang katiwalian sa distribusyon at importasyon ng bigas kung hindi maipatutupad ang mga inumpisahang reporma ni Evasco.

Kinilala nito na sa pamumuno ni Evasco sa NFA Council, nagpakita ito ng dedikasyon sa pagbabantay at paglaban sa katiwalian sa industriya ng bigas.

“The removal of Cabinet Secretary Jun Evasco frim the NFA Council is a loss in our fight against corruption in the importation and management of rice,” sabi ni Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?