76

Feb 3, 2021 @ 21:01
By

Pagsingaw ng ammonia sa Navotas: 1 patay, 65 naospital

Isang 44-anyos na lalaki ang namatay habang 65 pa ang dinala sa ospital sa naganap na ammonia leak sa isang planta ng yelo sa Navotas nitong Miyerkoles.

Nagbunsod din ito ng paglikas ng mga residente sa North Boulevard at R-10.

Sa panayam sa radyo kay Mayor Toby Tiangco, empleyado raw ng ice plant ang pumanaw.

Dagdag niya, kontrolado na ang sitwasyon bandang alas-6:55 ng hapon, batay sa report ng mga city official.

“Konti na lang ang amoy, maghintay na lang,” ani Tiangco.

Sa kanyang Twitter post kanina, sinabi ni Tiangco na nangyari ang pagsingaw ng ammonia sa T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?