8
bong-go1
By

Pagsibak sa labor attache sa Hong Kong, naudlot

Sharing is caring!

Pansamantalang pinigil ang tuluyang pagsibak sa Philippine Labor Attache’ to Hong Kong na si Jalilo Dela Torre matapos itong pabalikin sa bansa noong March 23.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi na muna tatanggalin si dela Torre sa kanyang puwesto.

Mag-uusap muna aniya sina dela Torre at Labor Secretary Silvestre Bello III para makuha ang panig laban sa bintang ng ilang kasamahan at ilang grupo.

Ikinalungkot ng maraming overseas filipino workers ang pagpapa-recall kay dela Torre na aniya ay kakampi nila laban sa ilang mga abusadong amo sa Hong Kong at mga notorious at manlolokong employment agancies.

Isa sa huling inaksiyonan ni dela Torre ay ang pagbasura sa job order ng isang employment agency para magdeploy ng mga pilipina bilang bar dancers sa Hong Kong.

Kinondena ng 89 OFW organizations sa Hong Kong ang pagpapauwi kay dela Torre na ang itinuturong nasa likod umano nito ay si Assistant Labor Attache’ Maria Nena German.

Si dela Torre ay nahirang sa puwesto noong panahon ng Aquino administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?