425

Oct 28, 2017 @ 16:22

Pagsibak ng Ombudsman kay Mayor Mabilog, huli na – Duterte

Huli na umano ang naging aksiyon ng Office of the Ombudsman na pagsibak sa puwesto kay Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes ng gabi matapos magdesisyon ang Ombudsman na alisin na sa puwesto ang alkaldeng pinaniniwalaang nagtatago sa labas ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na sobrang “late” na ang aksiyon ng Ombudsman para kunwari ay sinusuportahan siya kaya sinibak ang alkalde.

“You see Mabilog. Mabilog is, I think a cousin of Drilon…the Ombudsman, in a very, very late gesture, so that they could pretend of supporting me, fired, stripped him of his mayorship,” ang pahayag ng Pangulo.

Si Mabilog ay sinibak sa serbisyo ng Ombudsman matapos mapatunayang guilty sa dishonesty dahil sa hindi maipaliwanag na yaman nito na umano’y umakyat ng P9 milyon sa loob ng isang taon.

Inakusahan ni Pangulong Duterte si Mabilog na protektor ng iligal na droga sa Iloilo na itinanggi naman ng alkalde.

Mahigit isang buwan nang wala sa Pilipinas si Mabilog at pinaniniwalaang umiwas sa ngitngit ng Pangulo matapos ihayag nito na si Mabilog na ang susunod sa mga napatay na alkalde dahil sa iligal na droga. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?