288

Aug 1, 2018 @ 22:41
By

Pagsibak kay Carandang, ‘test case’ sa bagong Ombudsman – Makabayan

Hinamon ng Makabayan bloc si Ombudsman Samuel Martires na suwayin at huwag ipatupad ang dismissal order ng Malacañang kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang.


Ayon kay ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio, malinaw na ang pagsibak kay Carandang ay resbak ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong kumpirmahin na iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang umano’y tagong bank deposit nito.


“Nakita naman na natin ang pattern sa Duterte administration… kay Pangulong Duterte, sa pamilyang Duterte kapag nagsalita ka laban kay Pangulo, nagsalita ka laban sa Duterte, babalikan ka,” ani Tinio.

Iginiit naman ni Anakpawis partylist Rep. Ariel Casilao ang independence ng Ombudsman lalo’t bagong-talaga lang si Martires.

“Magiging parang test case ito ng bagong Ombudsman ngayon if he will allow na ang tao niya ay pasusundin doon sa kagustuhan ng Malacañang and will not assert the independence of the Ombudsman,” sabi ni Casilao.





Sinabi naman ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na walang basehan ang dismissal order laban kay Carandang dahil noong 2014 ay nagdesisyon na ang Kataas-taasang Hukuman na unconstitutional ang Section 8 ng Republic Act 6770 na nagbibigay ng administrative power sa Office of the President para alisin ang Deputy Ombudsman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?