97
tinio
May 7, 2018 @ 14:44
By

Pagsasauli ng P60-M sa DOT, pag-amin ng kasalanan – Tinio, Villarin

Hindi pa umano tapos ang usapin sa kontrobersyal na P60 million ad placement ng Department of Tourism (DOT) sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) ng Tulfo brothers na kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo, sa kabila ng desisyon ng magkakapatid na ibalik ang pera.

Katuwiran ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, ang desisyon ng BMUI na isauli ang P60 million ay pag-amin na may mali sa transaksyon kaya dapat managot si Teo.

Kinuwestiyon din ni Tinio kung bakit si Teo ang nagsasalita para sa BMUI na siyang tumanggap ng salapi mula sa DOT.

“Returning the money is an admission of guilt. It will not efface the accountability of Sec. Teo for the improper transaction. She should still resign,” ani Tinio.

Naniniwala naman si Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin na na-pressure ang magkakapatid kaya ibinalik ang pera.

“As an allusion to the Shakespearean play Macbeth, the mental torment of their despicable act and President Duterte’s warning of a whiff of corruption and you’re out forced them to such decision. It’s an afterthought when all things weigh against them not because their hands are clean,” sabi ni Villarin.

Gayunpaman, hindi pa aniya absuwelto ang mga ito sa kanilang ginawa at dapat ding magkaroon ng kapani-paniwalang katapusan ang imbestigasyon ng Malakanyang sa DOT-PTNI/Bitag Media deal.

Dagdag pa ng kongresista, pinakamainam pa ring gawin ni Teo ang mag-resign para hindi na mapilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?