17

Apr 14, 2021 @ 17:54
By

Pagsasara ng mga korte sa ECQ, MECQ areas pinalawig

Pinalawig pa ng Supreme Court (SC) ang physical closure ng lahat ng korte sa mga lugar na nasa enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ hanggang Abril 30.

Sa inilabas na Administrative Circular No. 22-2021, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na lahat ng mga korte na sarado ay maaaring makontak ng publiko sa mga judiciary hotline at email address na naka-post sa SC website na sc.judiciary.gov.ph.

Ang mga lugar na nasa MECQ ay ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, Rizal; Abra, Quirino at Santiago City sa Isabela.

Mayroon namang mga lugar na nagpatupad ang mga local government unit ng localized ECQ.

Sakop ng kautusan ang SC, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.

Noong Marso 26 unang ipinag-utos ang pagsasara ng mga korte sa National Capital Region Plus bubble dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus, na pinalawig hanggang Abril 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?