43

Oct 26, 2021 @ 19:01
By

Pagsasara ng ABS-CBN dahilan ng pagtakbo ni Arjo – ermat

Binuking ni Sylvia Sanchez na isa sa mga nagtulak sa anak niyang si Arjo Atayde na sumabak sa politika ay ang pagkakasara ng ABS-CBN.

Si Atayde ay tatakbong kinatawan ng unang distrito ng Quezon City sa 2022.

Sabi ni Sanchez, kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang sumabak sa politika si Atayde, ngunit wala umano siyang magawa kundi suportahan ito.

“Actually kung ako ang tatanungin, ayaw ko [siya sumabak sa pulitika]. Alam ng anak ko ‘yun at alam ni Enchong (Dee). Nag-uusap kami diyan ni Enchong. Ayaw ko pero gaya nga ng sabi ko, anak ko ‘yan eh. Wala akong magawa kung hindi suportahan na lang ang anak ko. Iga-guide ko na lang nang mabuti ang anak ko para hindi naman maligaw,” pahayag ni Sanchez sa isang virtual press conference.

“Kapag pinalad, pinagkatiwalaan ng mga tao, nakapuwesto, iga-guide naming mag-asawa para hindi naman masusulsulan and hindi naman maliligaw. Kabado, yes, pero suporta, 1,000%,” dugtong pa niya.

Kwento ni Sanchez, nasa high school pa lamang ang kanyang anak ay nasa puso na nito ang maglingkod, lalo sa politika. Ngunit nang magsara umano ang ABS-CBN ay doon na siya lalong nagnasa na magsilbi sa iba.

“High school pa lang siya talaga nagsasabi na siya, ‘Gusto kong manungkulan, mommy. Gusto kong tumulong.’ Sabi ko, ‘Makakatulong ka naman kahit wala ka sa puwesto.’ Sagot niya, ‘Mas makakatulong ako kapag nasa puwesto ako, mommy,'” saad pa ni Sanchez.

“Okay na ‘yun eh, nanahimik na siya noon. Hanggang nang magsara ang ABS. Doon siya talaga — ‘yun ‘yung ang pinakatalaga nalungkot siya, nagalit siya, nalungkot siya [para] sa lahat ng Kapamilya, sa mga kaibigan sa loob, mga Kapamilya natanggalan ng trabaho tapos pandemic pa. ‘Yun talaga ang isa sa pinaka rason din niya,” dugtong pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?