39

By

Pagsasapubliko ng narco list, ‘dumb and cruel’ – Lacson

Sharing is caring!

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na “dumb” at “cruel” ang pagsasapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng listahan ng mga chairman at kagawad ng barangay na sangkot umano sa bentahan ng iligal na droga.

Ayon kay Lacson, “dumb” o katangahan ang paglalabas ng ganung listahan dahil natulungan nito ang drug suspect na makapaghanda at magtago ng ebidensiya.

Idiniin na ang ganoong listahan o narco list ay intelligence report na dapat ginagamit lamang sa pagkalap ng ebidensiya.

Cruel o malupit naman aniya ang pagsasapubliko dahil nahatulan na ang mga taong nasa narco list kahit hindi pa sigurado ang impormasyon at walang kaso sa korte.

“Cruel kasi hindi mo puwedeng sabihing validated ‘yung isang intelligence report. Ang makapag-validate ng intelligence report ‘yung kaso na puwedeng isampa na mayroong supisyenteng ebidensiya para masampahan ng kaso ‘yung mga nakasaad o nakalagay sa intelligence report,” paliwanag ni Lacson.

Puwede umanong magsampa ng kasong libelo ang mga nasa listahan laban sa PDEA.

Pero hindi puwedeng kasuhan si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nag-utos na ilabas ang narco list dahil may immunity sa demanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?