90

By

Pagsasanay sa mga pulis, ibalik sa PNP – Lacson

Ipinalilipat na ni Senador Panfilo Lacson sa Philippine National Police (PNP) ang responsibilidad na sanayin ang mga bagong recruit na pulis.

Bunsod ito ng pagkakasangkot ng mga bagitong pulis sa mga kriminal na gawain gaya ng kidnapping, extortion at kalakalan ng iligal na droga.

Sa ngayon, sa Philippine Public Safety College (PPSC) nag-aaral at sinasanay ang gustong maging pulis.

“Mukhang totoo na may problema ang recruitment. It’s about time na i-revisit ang Republic Act 6975 para i-amend ang provision at ibalik sa PNP ang training institute,” sabi ni Lacson.

Matagal na umano itong hinihingi ng pamunuan ng PNP.

Sa Lunes, balak nang isumite ni Lacson sa plenary debates ng Senado ang panukalang batas para rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?