27

Sep 22, 2021 @ 17:53
By

Pagsasabatas ng UP-DND Accord pasado na sa Kamara

Inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang panukala upang maging batas ang UP-DND Accord.

Walang tumutol sa pag-apruba sa House Bill 10171 na nakatanggap ng 179 boto sa sesyon ng plenaryo noong Martes ng gabi.

Sa ilalim ng panukala, kailangang makipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agency ng gobyerno sa pamunuan ng UP bago ito magsagawa ng operasyon sa loob ng kanilang mga campus.

Ang UP-DND Accord ay nilagdaan noong 1988 upang proteksyunan ang mga estudyante at empleyado ng UP laban sa panghihimasok ng otoridad.

Noong Enero 25 ay ibinasura ng DND ang Accord upang maproteksyunan umano ang mga estudyante laban sa recruitment na isinasagawa ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Kumpiyansa di Deputy Speaker at CIBAC Rep. Eddie Villanueva, isa sa may-akda ng panukala na magbibigay-daan ang pagsasabatas ng Accord upang mas mailabas ng mga kabataan ang kanilang iniisip.

“In these dark times of the pandemic, what the country needs is an abundance of the youth’s ideas for national recovery. Young people, especially mga iskolar ng bayan, must be encouraged, not discouraged, to be more vocal, more visible, and more vigorously participative in the national discourse. An ailing nation needs more of the youth’s ideas and idealism, not less,” sabi ni Villanueva.

Naniniwala ang CIBAC na nagdulot ng takot ang abrogasyon ng UP-DND Accord kaya dapat lamang na ito ay isabatas.

“By institutionalizing the UP-DND Accord to be part of the law of the land and not just an agreement left to the mercy of the executive, it will restore not only UP’s but even the Filipino people’s confidence in its commitment to promote the constitutionally guaranteed freedoms of speech, expression, and peaceable assembly,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?