185

By

Pagsasaayos sa Pag-asa Island hinarang ng China – Lorenzana

Ibinunyag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na sinubukang pigilan ng China ang pagsasaayos sa mga istraktura sa Pag-asa Island sa Spratlys.

Ayon kay Lorenzana, nang malaman ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang balak na ayusin ang runway sa isla, pinagsabihan siya nito na huwag ituloy ang plano.

Aniya, binuweltahan niya si Zhao at pinagsabihan na tama lang na ayusin ang Pag-asa Island dahil ang China ay nagtayo na ng istraktura sa Subi Reef.

Ibinahagi rin ni Lorenzana ang pagpigil sa kanya ni Zhao na bisitahin ang Pag-asa Island at sinubakan pa aniya nitong linlangin siya.

Sinabi ng defense chief, ikinatuwiran sa kanya ni Zhao na maaaring gumawa ng katulad na hakbang ang ibang bansa na inaangkin din ang Spratlys.

Noong Abril 2017, bumisita si Lorenzana sa Pag-asa Island para panindigan na ang isla ay bahagi ng Kalayaan Island, na isang bayan sa Palawan.

Hindi ikinatuwa ng China ang ginawa ni Lorenzana at inakusahan ito ng paglabag sa isang kasunduan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?