51

By

Pagsara ng peace talks, huwag isisi kay Duterte – Palasyo

Sharing is caring!

Hindi dapat na isisi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtigil ng peace talks sa Kilusang Komunista.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, ginawa lamang ng Pangulo ang lahat ng hakbang para magkaroon ng kapayapaan subalit hindi ito maayos na tinugunan ng grupo ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison.

Magkaibigan aniya sila ni Joma Sison, naging professor ito ni Pangulong Duterte noong estudyante pa siya at wala namang dapat pag-awayan, nakikipag-usap ng tapat, subalit kaliwa’t kanan naman ang ambush sa mga tropa ng gobyerno.

Sinabi ni Roque na ang hindi malinaw sa kanya ay kung sino ang may kontrol sa New Peoples Army dahil habang nag-uusap ang mga negosyador sa ibang bansa ay panay-panay naman ang pananambang at extortion activities.

Naiintindihan aniya ni Pangulong Duterte ang mga isyung pinalutang ng mga makakaliwa at ginawan naman ng paraan na mabigyan ng kasagutan at solusyon ang mga ugat ng rebelyon.

Inisa-isa ng kalihim ang mga ito gaya ng mga oligarchs na isa-iaa na niyang pinagbabayad, tulad ng Mighty King at Philippine Airlines, mayroon na aniyang libreng tuition sa state universities and colleges at nasertipikang urgent ang mga panukalang batas sa universal health care at libreng tanghalian para sa mga kabataan.

“Talaga pong napakadaming tanong sa pagtigil ng usaping pamgkapayapaan. Hindi na po kasalanan ng Presidente yan. Lahat na po ng hakbang ay ginawa ng Presidente para magkaroon ng matagalang kapayapaan sa ating bayan. Pero hindi naman pupuwede na iyong pagnanais ng kapayapaan ay sa parte lang ng gobyerno.The ball is in the court of the CCP-NPA,” ang pahayag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?