358

May 6, 2020 @ 9:50
By

Pagsara ng ABS-CBN kasalanan ni Cayetano – tatay ni Kim Atienza

Ang pinakamaysala sa pag-shutdown ng ABS-CBN, ayon kay BUHAY party-list Rep. Lito Atienza, ay si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Humingi rin ng tawad ang mambabatas dahil nabigo umano ang Kongreso sa pagtupad sa tungkulin nito hinggil sa pag-renew ng prangkisa ng TV network.

“I would like to apologize for the failure of Congress to do its job. Kasalanan namin ito, e; kasalanan ng Kongreso ito. But more important, I’d like to say squarely, kasalanan ni Speaker Cayetano ito,” wika ni Atienza sa panayam sa ANC ngayong Miyerkoles,

“Pagkukulang niya ito sa bayan. He will have a lot to explain one day; it may not be today, but later on, this issue will hound him because he’s the one who did not do his job. Even the President kept on reminding him “Do your job. Magtrabaho na kayo. Aksiyunan n’yo ‘yan” What did he do? Nothing,” sambit niya pa.

Wika pa ni Lito, na tatay ng Kapamilya host-anchor na si Kim Atienza, apektado ang buong bansa sa nangyaring pagpapasara sa ABS-CBN sa gitna ng COVID-19 pandemic.

https://youtu.be/iT3JT1eFsJM
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?