79
ABANTE bong go navy deal
Jan 23, 2018 @ 12:26
By

Pagsangkot kay Bong Go sa Navy frigate deal, bahagi ng destab plot – Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na bahagi ng destabilization plot laban sa gobyerno ang pagsasangkot kay Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go sa frigate deal sa Philippine Navy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa Kongreso pa ito noon ay sinabihan na siya na mayroong destabilitation effort na magsisimula sa isang “mistah” sa opisina na tumutumbok sa inilutang na isyu ng Rappler.

Pero hindi aniya nasisindak ang Palasyo dahil madali namang depensahan ang bintang kay Go bukod pa sa nagsalita na rin ang mga opisyal na may kinalaman sa frigate deal at nilinis ang pangalan ni Go.

“Mayroon kasing—consultant ako nung ako ay nasa Kongreso pa at may public relations practitioner. Sinabihan ako na mayroon daw major destab effort na magsisimula daw sa isang mistah sa opisina. So wala namang leak na nangyari pero iyong tanong ni Pia Ranada tungkol dito sa frigate nagsimula talaga diyan sa aking ….. So sa tingin ko ito na iyong destab na sinasabi nila at ang sa akin naman mag-ingat sila kasi unang una napakadali namang depensahan iyan,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi nagpapaapekto ang Malacañang sa mga ganitong isyu dahil nakatutok sila sa pagpapatakbo sa gobyerno at hindi uubra ang paninira ng oposisyon dahil walang itinatago sa gobyerno.

Sinabi ni Roque na mas matindi ang buwelta nila sa oposisyon dahil hahabulin sila sa isyu ng SAF 44, ang dengvaxia na pumatay ng mga bata, kapalpakan sa Metro Rail Transit (MRT) pati na ang anomalya sa livelihood.

Sinabi pa ng kalihim na titiyakin nilang hindi makakalusot sa korte ang mga nagkasala sa taongbayan.

“Pero ngayon po dahil sila naman po ang bumabato, ibabalik na po natin sa kanila lahat iyan mula po doon sa SAF44, papunta po doon sa Dengvaxia, papunta po doon sa livelihood scam, papunta po doon sa kapalpakan sa MRT. Sige po, pagalitan na ako ni Presidente pero ako po ilalantad ko na iyan at talagang ipe-pressure natin ang mga Ombudsman at talagang kasuhan na sila,” dagdag pa ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?