Pagsaludo ni Trump sa N. Kroean general, binatikos

Sharing is caring!

Umani ng pagpuna si US President Donald Trump matapos mahuli sa video footage na sumasaludo ito sa isang North Korean general habang nakatingin si Kim Jung un.

Ang tagpong iyon ay kuha sa ginawang pagbisita ni Trump sa Singapore para sa isang summit kasama si Kim.

Sa pag-uusap ng dalawa, ipinakilala ni Kim si Trump sa North Korean general.

Gustong kamayan ni Trump ang heneral subalit sa halip na kamayan, sinaluduhan nito US President. Gumanti rin ng saludo si Trump sa North Korean general.

Kinastigo naman ng mga kritiko ang ginawang iyon ni Trump.

Sabi ni Democratic Senator Chris Van Hollen, lumalabas na tanggap na ni Trump ang autocratic regime ni Kim na inakusahan ng gross human rights violations.

Paliwanag naman ng White House, naging ‘polite’ lang si Trump sa tagpong iyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?