20

May 4, 2021 @ 15:47
By

Pagsagot sa training ng mga OFW gusto isama sa Bayanihan 3

Hiniling ng Marino party-list na isama sa panukalang Bayanihan to Arise As One (Bayanihan 3) ang pagbibigay ng libreng training sa mga marino at land-based overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay Rep. Sandro Gonzalez nakapag-ambag ng P1.5 trilyon sa ekonomiya ng bansa ang mga OFW sa pamamagitan ng remittance na kanilang ipinadala noong nakaraang taon.

“This has helped the country stay afloat despite the contraction of the country’s economy,” sabi ni Gonzalez.

Pero mayroon umanong mga OFW na nangangailangan ngayon ng tulong para makapag-training at makapagtrabaho.

“It is only right that we help them stay deployed,” sabi ni Macnell Lusotan, isa ring kinatawan ng Marino.

Hiniling din ng grupo na magpasok ng probisyon sa Bayanihan 3 na inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na bumalangkas at magbigay ng entrepreneurship at skills training sa mga kuwalipikadong seafarer at land-based OFW.

Maaari umanong makipag-ugnayan ang mga ahensya gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?